Home ENTERTAINMENT Paolo, binanatan ulit ni Rendon!

Paolo, binanatan ulit ni Rendon!

Manila, Philippines – This Rendon Labador just wouldn’t stop from nitpicking!

Round 2 na ito para sa muling biniktima niyang si Paolo Contis.

Ang kuwento: ang ginawang panlilibre ni Paolo sa mga kapwa hosts at staff ng Eat Bulaga as posted by Mayor Bullet Jalosjos on his Instagram story.

As far as Paolo was concerned, nais lang niyang ipagbunyi nilang lahat sa EB ang renewal ng trademark nito sa Intellectual Property Office.

The said renewal will last for another 10 years.

Out of goodwill nga ni Paolo kung bakit siya nanlibre ng pagkain sa mga katrabaho.

Masama? Hindi!

Anito sa kanyang social media post: “Pakainin mo muna ang mga anak mo bago ka manlibre! Sustento muna bago ka manlibre!”

Paolo sires two kids with former partner and EB Babe Lian Paz and another one with LJ Reyes.

Aminado naman si Paolo na hindi niya nasusustentuhan ang kanyang mga anak.

Pero nilinaw naman ng TV host-actor that he’s saving up money for his kids.

At presstime, wala pang sagot si Paolo sa post ni Rendon.

Looking back, this isn’t the first time that Rendon had picked on Paolo.

Sinilip din ng social media personality ang pamimigay ng pera ni Paolo sa mga studio contestants sa mga palaro nila sa EB.

Post ni Rendon: “Anong klaseng pagkatao meron si Paolo na namimigay ng pera gayong hindi makapagsustento sa mga anak niya? Patigasan na lang ba talaga ito ng mukha, bro?!”

Nilinaw naman ni Paolo sa vlog interview ni Ogie Diaz na galing ang perang ipinamimigay niya sa produksyon at hindi mula mismo sa kanyang bulsa.

Sa katunayan, nahihiritan pa nga raw si Paolo ng panggastos sa birthday o pamasahe pauwi ng probinsya ng ilang sumasali sa mga palaro nila.

Kaligayahan na raw ni Paolo na kahit paano’y may naiaabot siya sa mga taong ‘yon at his expense. Ronnie Carrasco III