Home NATIONWIDE Panukalang nutrition program para sa mga senior lusot sa Kamara

Panukalang nutrition program para sa mga senior lusot sa Kamara

MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong palakasin ang national nutrition program para sa senior citizens.

Pinaboran sa Kamara ang House Bill No. 8461, na naglalayong amendahan ang Republic Act No. 7432 o ang Senior Citizens Act, sa plenary session nitong Miyerkules.

Sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na inaatasan ng panukala ang National Nutrition Council, ang Department of Health, at local government units (LGUs) na maghanda ng nutrition at wellness program, na magsisilbing gabay ng senior citizens sa pagpili ng nutritionally balanced meals upang labanan ang malnutrisyon.

“This comprehensive program aims to promote and protect the right of senior citizens to health and instill consciousness on the need for their health and proper nutrition,” pahayag ni Romualdez.

Bukod sa programa, ipinag-uutos din nito sa LGUs na isama ang inisyatiba nito sa programa para sa matatanda. RNT/SA