Home ENTERTAINMENT Paolo, ‘no comment’ sa estado ng relasyon kay Yen!

Paolo, ‘no comment’ sa estado ng relasyon kay Yen!

Manila, Philippines- Walang nagtagumpay na miyembro ng press na makakuha ng ibabalita nila tungkol kay Paolo Contis.

Ang latest nga’y burado nang lahat ang mga pictures ng aktor sa Instagram ng nobyang si Yen Santos.

Kahit na ‘yung mga ibang nagpa-follow kay Yen ay deleted na rin.

In stark contrast ito sa kaso ni Paolo na hindi nagbubura kahit isang “souvenir” nila ni Yen.

At a recent event, tinangka ng ilang media members na hingan ng reaksyon si Paolo kaugnay ng tunay na estado nila ni Yen ngayon.

Ito’y base na rin sa mga deleted posts ng aktres sa kanyang IG account.

Are they still a couple o hindi na?

Isa lang at consistent ang standard answer ni Paolo: no comment.

In fairness, wala namang unwritten or unspoken rule na mahigpit niyang ipinagbabawal ang magtanong ng ganoon.

Pero iisa pa rin daw ang sagot na makukuha ng mga ito sa kanya, ‘yun nga, no comment.

In a sense, para na ring sinopla ang mga bashers niya na walang tigil sa paghahanap ng maipupuntos laban sa kanya.

Mahinahon munang sabi ni Paolo: “I’d like to keep my personal life personal!”

Sumunod doon, halatang pagkairita got the better of him.

Buwelta niya: “Masyado na kayong maraming alam sa buhay ko!”

Short of saying, give him a break o lubayan na siya.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagpakita ng pagkaasiwa si Paolo sa kanyang mga bashers, na aniya’y mga nagmamarunong pa kesa sa kanya.

But can Paolo help it lalo’t kung may ipino-promote siyang pelikula?

The least his bashers can do is to respect kung ano lang ang kaya niyang isagot sa isyu. Ronnie Carrasco III