Home NATIONWIDE ALAMIN: 113 testing centers para sa UPCAT 2025

ALAMIN: 113 testing centers para sa UPCAT 2025

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) nitong Miyerkules na magkakaroon ng 113 testing centers para sa UP College Admission Test (UPCAT) 2025.

Narito ang listahan ng testing centers:

Ang UPCAT ang pamamaraan ng unibersidad upang pairalin ang mataas na pamantayan sa edukasyon at upang pangasiwaan ang limitadong pinagkukunan nito.

Nililimitahan nito ang bilang ng freshman slots sa kada campus at para sa mga programa. Sakaling magdesisyon ang estudyante na kumuha ng UPCAT, magiging parte sila ng libo-libong aplikante.

Binubuo ang UPCAT ng apat na subtests: Language Proficiency (sa English at Filipino), Reading Comprehension (sa English at Filipino), Science, at Mathematics.

Matutukoy ang University Predicted Grade (UPG) sa pamamagitan ng scores ng examinees, maging pinal nilang grado mula Grade 8 hanggang 11.

Kailangang magsumite ang mga aplikanteng nagbabalak kumuha ng UPCAT 2025 sa Agosto ng kanilang personal na detalye at program preferences gamit ang Form 1 hanggang Mayo 31, na ini-extend mula sa orihinal na deadline na Mayo 15, base sa anunsyo nitong Miyerkules.

Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng official website: https://upcat2025online.up.edu.ph/. RNT/SA