Home METRO Sekyu shoot sa selda sa panghahalay sa anak!

Sekyu shoot sa selda sa panghahalay sa anak!

MANILA, Philippines- Kalaboso ang isang security guard sa Quezon City na umano’y nanggahasa sa kanyang 16-anyos na anak na babae, batay sa Anonas Police Station nitong Miyerkules.

Base sa ulat, kinasuhan ng biktima kasama ang kanyang ina ang suspek.

“Humingi po ako ng pasensya sa asawa at sa pamilya ko sa nangyari sa anak ko na nagawa kong mali. Sobra yung pagsisisi ko. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataon talagang babawi ako nang sobra-sobra,” giit ng suspek.

Pag-amin ng suspek, bukod sa lango siya sa alak nang maganap ang insidente ay gumagamit din umano siya ng ilegal na droga.

Mahaharap ang suspek sa reklamong statutory rap. RNT/SA