Home ENTERTAINMENT Papa P, emosyunal sa pag-demolish ng ABS-CBN building!

Papa P, emosyunal sa pag-demolish ng ABS-CBN building!

Manila, Philippines – Parehong nagsimula at umusbong ang showbiz  careers nina Piolo Pascual at Kim Chiu sa ABS-CBN, kaya kinunan sila ng reaction sa inaasahang paggiba sa old main building ng ABS-CBN once na-finalize na ang bentahan sa mga Ayalas.

Ipinagbili ng ABS-CBN sa Ayala Land ang 30,000 square meters property mula sa kabuuang 44,027.30 square meters ng dating broadcasting network, ayon sa ulat ng ABS-CBN.com.

Sa oras na ma-finalize ang kontrata ng bentahan ay maaaring simulan ang anumang plano ng Ayala Land sa nabiling lupa.

As early as 2023 ay naiulat na ang tungkol sa hiwalay na negosasyon ng ABS-CBN sa ibang real estate company, na hindi natuloy noon.

Siyempre masakit,”bungad ni Piolo nang tanungin ng entertainment press.

“Dito kami lumaki, ‘ba,” ani Piolo.

Naging bahagi si Piolo ng talent management arm ng ABS-CBN, ang Star Magic noong 1996 o 29 years ago.

“Oo, ang daming  nangyar dito, sa bulding na ito.”

Si Kim ay homegrown artist ng ABS-CBN mula nang manalo siya bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 1 noong 2006 o 19 years ago.

Mami-miss man nila ang ABS-CBN old building, paniniguro ni Piolo, “But we carry it in our hearts.”

“Yes,” pagsang -ayon ni Kim kay Piolo, “Nasa puso namin yun and alam namin na nandiyan pa rin ang mga Kapamilya.”

Samantala, big winners sina Piolo at Kim sa 38th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC).

Ginanap ang awards night sa Dolphy Theater sa ABS-CBN compound sa Quezon City.

Nagwagi si Piolo bilang Best Drama Actor para sa prime-time series na Pamilya Sagrado. Si Kim ang nanalong Best Drama Actress sa prime-time series na Linlang.

Sabi ni Kim: “Siyempre sobrang thankful po ako sa lahat ng bumubuo ng PMPC dahil nabigyan kami ng ganitong parangal. And then, na-validate po kami as actors and actress.”

Sabi naman ni Piolo, “Wow! I’ve been around for quite some time, and earning something like this is really, you know, is really overwhelming. Kaya alam mo yung matutulog kang masaya ka, nakangiti ka.”

Ikinuwento ni Piolo na kasama niya ang kanyang ina, na bago pa man siya manalong Best Actor ay kinongratulate na siya. Ador Saluta