Manila, Philippines – Maraming Marites ang iniintriga ang naging partisipasyon ni Heart Evangelista sa ginanap na ABS-CBN Ball sa isang pamosong hotel.
Katunayan, kinabog daw siya ni Anne Curtis na ayon sa reviews ng Tigbak Authority, pagdating sa pagrampa ay deserving na tanghaling best dressed female celebrity sa nasabing okasyon.
Sa isa namang video na kumalat, natanong si Heart kung bakit hindi siya naghanda sa nabanggit na glitz and glamour event.
Ani Heart, hindi raw niya iyon ‘tamang moment’ na ang ibig sabihin ay lumulugar lamang siya.
Dagdag pa niya, itinuturing daw niyang ang pag-attend sa naturang ball na katulad lang ng pagrampa niya sa isang Saturday ganap.
Gayunpaman, pinaghahandaan na raw niya ang darating na GMA Gala na hindi pa inaanunsyo kung kailan.
Kumbaga, mas excited daw siya rito dahil isa siyang Kapuso.
Hirit naman ng kibitzers, tila raw ikinakasa na ni Heart ang pagbuwelta kay Anne na posibleng dumalo sa nabanggit na pagtitipon.
Matatandaan kasing noong 2023 ay dumalo si Anne sa GMA gala pero absent ito noong nakaraang taon.
Ito ay naging posible dahil sa naging kolaborasyon ng Kapamilya network at ng GMA-7.
Ito naman ang iba’t-ibang sey ng mga nagma-Marisol.
“May point naman kasi siya na kaya di siya naghanda sa ABS-CBN ball kasi bisita lang siya doon.”
“Wow ha. Just another Saturday. Para lang paggpunta sa spa para magpa-treatment.”
“Humanda ka na, Anne. Babawi si Heart.”
“Talaga namang GMA is where she belongs. Ba’t naman siya makikipagbonggahan sa ABS, eh di niya baluwarte iyon.”
“Gets ko naman siya. Hindi niya moment iyon dahil moment iyon ng Kapamilyas.”
“Di naman siya star ng ABS, bakit siya mag-e-effort. Magmumukha lang siyang papansin at OA.”
“In fairness, napaka-generous ni Heart.
Nagpahiram ng necklace sa sinasabi ninyong isa sa pinakamaningning na bituin ng ABS.”
“Pero ba’t si Anne at Vice, inaabangan noong i-announce na a-attend sila ng gala.”