Home NATIONWIDE Papel ng kabataang Pinoy sa nat’l development kinilala ni PBBM

Papel ng kabataang Pinoy sa nat’l development kinilala ni PBBM

MANILA, Philippines- Binigyang-diin ang kahalagahan ng mga kabataang Pilipino sa national development, hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. araw ng Miyerkules, ang nakababatang henerasyon na makialam sa pamamahala at pampulitikang diskurso kasabay ng pangako ng Chief Executive ng kumpletong suporta mula sa national government.

“Kung mayroon kayong nakikitang mas magandang pamamaraan, sabihin ninyo. Isigaw ninyo. Iyong mga matatanda, hindi makikinig sa inyo, pero pilitin niyo.,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang oath-taking ceremony sa Palasyo ng Malakanyang ng mga bagong halal na mga opisyal ng Liga ng mga Barangay (LnB) at Sangguniang Kabataan (SK) National at Island Representatives.

“Lahat naman pagka may pangyayari na ganyan, sasabihin — kung maganda ang naging resulta, anong masama doon? Kung hindi matagumpay, hindi maganda ang lumabas, hindi bale, sige next, subukan natin ibang bagay, subukan natin ibang sistema,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“With the Filipino youth becoming probably the youngest workforce in Asia averaging 25 years old, it is important that young people get involved in social debate and governance,” dagdag niya.

Bukod dito, kailangan ng bansa ang enerhiya o lakas ng mga kabataang Pilipino, ang kanilang “new blood,” partikular na sa kasalukuyang pagsusulong sa teknolohiya at cyberspace.

Habang ang teknolohiya ay hindi naman ganoon kahalaga sa nakalipas na ilang dekada, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na kailangan ng bansa ang “intuitive at instinctive knowledge” ng mga kabataan.

“The future is going to be technology driven, and that is why the natural instinct of younger people, when it comes to technology, is important. It has to be part of all our thinking. It has to be part of all our planning,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“So, kaya’t nabanggit ko lahat ‘yan ay dahil nais ko lang naman talagang ipaalam sa inyo na dahil nga sa aking karanasan bilang local government official ay asahan po ninyo na lahat ng inyong mga iniisip, lahat ng inyong mga suggestion, lahat ng inyong sinasabi sa amin ay pinapakinggan namin ‘yan,” hirit pa niya.

Sa kabilang dako, pinaalalahanan din ng Pangulo ang kanyang ‘audience’ ng kahalagahan ng lokal na pamahalaan, partikular na ang barangay sa “decision-making,” pagpaplano ng gobyerno at pag-asa para sa hinaharap ng bansa.

“What the national leaders are doing is not intended for the older generation of Filipinos but for the country’s young people and the new generation,” ayon sa Punong Ehekutubo.

“So, we have to hear from the young people. We have to hear from the ordinary citizens what is the future that you want? What is the future that you feel we can achieve? And how do you suggest that we do it?” giit pa niya.

“These questions are very, very important and these are questions that we ask of the local government and I promise you, we will listen to those answers.”

Samantala, ipinasa ang Republic Act 10742 o ang SK Reform Act of 2015 para hikayatin ang mga kabataan na magpartisipa sa lokal na pamamahala.

Kabilang naman sa mga programa at proyekto ng SK ay ang magtatag ng Local Youth Offices na mamamahala sa “outh programs at advocate youth rights; pagtatakda ng Local Youth Development Plan na magsisilbi bilang roadmap para sa youth development; at pagpapatupad ng Local Development Council para palakasin ang naka-sentrong polisiya at mga programa. Kris Jose