Home ENTERTAINMENT Kuya Kim, ‘pinatay’ na naman!

Kuya Kim, ‘pinatay’ na naman!

Manila, Philippines- Muli na namang naging biktima ng death hoax si Kim Atienza.

Ito’y makaraang ipakalat ng isang walang magawang tao na siya’y pumanaw, ayon sa isang Instagram account.

Para pagmukhaing totoo, ginamit pa ang logo ng GMA.

May obituary ito na nakasaad ang kapanganakan ni Kim, January 24, 1967 at “namaalam” na nga nitong June 3, 2024.

Ito na ang ikalawang beses na biktima si Kim ng death hoax.

Taong 2022 nang unang mabalitang nasawi siya sa isang aksidente.

“GMA logo pa more!” wari’y pang-iinis ni Kim sa may kagagawan nito.

Kung tutuusin daw ay palalampasin na lang ni Kim ito pero nababahala raw ang kanyang mga kaanak at kaibigan.

Ang death hoax ay ang peke o gawa-gawang balita tungkol sa kamatayan na karaniwang iniuugnay sa mga sikat na personalidad.

Dumarami nga ang bilang ng mga biktima nito.

“Hope not today!” ang tanging nasabi na lang ni Kim.

Kung matatandaan, sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda months ago’y tinanong si Kim if he’s afraid of death.

Buong tapang itong sinagot ni Kim na: “No! I can go anytime”

Tiniyak din niyang sa langit ang punta niya kung magkaganoon man. Ronnie Carrasco III