MANILA, Philippines – Nagsimula nang maramdaman ng mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa ang mas maluwag na workload matapos ianunsyo ng Department of Education (DepEd) nitong Martes, Hunyo 3, ang 57% na pagbawas sa classroom paperwork sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang pagpapasimple ng requirements ay ginawang pormal sa pamamagitan ng DepEd Order No. 6, s. 2025, na nagbabawas sa bilang ng school forms na lahat ng mga guro ay dapat na regular na makumpleto. Mula sa 174, ito ay ginawa na lamang lima.
Itinalaga sa ancillary tasks ang 31 forms, at ang 39 sa teaching-related assignments, batay sa workload designations ng mga guro sa ilalim ng DepEd Order No. 5, s. 2024.
Ani Secretary Sonny Angara, sumasalamin ang inisyatibong ito sa pangako ng DepEd na isaprayoridad ang kapwa learner outcomes at kapakanan ng mga guro.
“We’re clearing the runway so teachers can fly. This is our declaration that meaningful learning and teacher well-being go hand in hand,” aniya. RNT/JGC