Manila, Philippines – Napaluha ang kilalang Asia’s Sentimental Singer at Jukebox Queen na si Imelda Papin nang makita niya ang SRO crowd ng “Tanghalang Pasigueno” para sa launching ng kanyang awiting “Pilipino Tayo”.
Dinumog ang nasabing launching despite sa maikling araw ng preparasyon.
Ayon pa kay Imelda na kasalukuyang director ng PCSO ay halos tatlong araw lang daw ang preparasyon nila.
Pati pag-ensayo ay wala pa raw isang oras at sa mismong araw ng paglulunsad pa ito ginawa.
Inialay naman ni Imelda ang kanyang bagong awit na “Pilipino Tayo” sa lahat ng Pinoy.
Nanawagan siyang dapat na magkaisa ang lahat sa kabila ng mga pinagdadaanan ng ating bansa.
Naging emosyunal si Imelda sa dami ng mga kaibigan at mga tagasuporta niya na dumalo sa paglulunsad ng kanyang awitin sa Tanghalang Pasigueno.
Bukod sa mga opisyales ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPP) ay dumating din ang anak niyang si Maffi Papin, huh!
Paglabas namin sa nasabing venue ay nag-aabang naman kay Imelda ang maraming loyal fans niya.
Umaasa silang makapagpakuha ng picture kasama ang idolo.
Nakausap pa namin ang isa sa kanila na si Cynthia Laborte na isang senior citizen at binanggit pa sa amin na teenager pa lang daw siya ay tagahanga na siya ni Ms. Papin.
Halos lahat daw ng awitin ng singer ay memorize niya, huh! Jimi Escala