Home NATIONWIDE Terminal fee sa Batangas Port, tataas sa susunod na taon

Terminal fee sa Batangas Port, tataas sa susunod na taon

290
0

MANILA, Philippines – Tataas sa susunod na taon ang terminal fee sa Batangas Port, ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago.

Pero paglilinaw ni Santiago, mas maliit ang pinayagan kumpara sa P100 na hiling ng ATI o Asian Terminals Inc.

Hinati aniya sa dalawang tranch ang dagdag na terminal fee sa Batangas Port na tig-30 pesos.

Ayon kay Santiago, ipatutupad ang unang tranche sa Enero 10 at ikalawang bahagi sa Hulyo 1 kaya’t aakyat na sa P90 ang kabuuang terminal fee.

Samantala, tiniyak ng PPA na tuloy-tuloy na ang libreng shuttle service sa mga pantalan na malayo ang passenger terminal sa lugar kung saan nakadaong ang barko. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here