MANILA, Philippines – NASA hot water ngayon ang isang pulis dahil sa umano’y pagkikipagtalik sa loob ng opisina ng PNP Regional Civil Security Unit – SOCCSKSARGEN (RCSU-12) sa General Santos City kung saan siya nakatalaga.
Nabatid sa ulat na pumutok sa social media ang larawan ng pulis na sinasabing nakikipagtalik umano. Kasama rin sa online post ang mga larawan at screenshot ng mga personal na pag-uusap ng mga dapat na kumpidensyal na operasyon ng pulisya.
Sinabi pa sa ulat na ang sangkot na pulis ay isang staff sarhento.
Ayon sa ulat dinisarmahan na ng RCSU-12 ang pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
“Wala tayong idea kasi last Friday lang yung complaint then inaksyonan agad natin; inalam natin kung ano then yung involved personnel initially tinanggalan muna natin siya ng issued firearms para for prevention,” RCSU-12 Chief, Col. Narciso Bayugo.
Kaugnay nito itinanggi naman ng pulis ang mga paratang.
Samantala tinitingnan ngayon ng mga imbestigador ang katotohanan ng post.
Kaugnay nito nakikipag-ugnayan na ang mga awtoridad sa taong gumawa ng online post. Ang tao ay maaaring maharap sa mga kaso kung siya ay napatunayang nagkakalat ng maling impormasyon.
Sinabi pa ni Col. Bayugo na sa kasalukuyan nakikipag communicate sila doon sa nagko-complain or nagbigay ng information. At sinabi na as of now wala umanong sagot ang nagrereklamo sa mga communications ng pulisya sa kanya.
Mahaharap ang pulis sa kasong administratibo kung kinakailangan ng imbestigasyon. (Santi Celario)