BINISITA ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang Kadiwa ng Pangulo at Diskwento Caravan na nagbebenta ng P29 per kilo na bigas at mga gulay, prutas, school supplies, at iba pang gamit sa Navotas Sports Complex.Target ng P29 Rice Program na makapaghandog ng murang bigas para sa mga senior, PWD, 4Ps, at solo parents.Pinuri ni Navotas Representative Toby Tiangco ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang sakop sa abot-kayang bigas,
kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na dadagdagan nila ang bilang ng mga Kadiwa outlet na nag-aalok ng
P29 kada kilo ng bigas mula 13 hanggang 23 na tindahan. JOJO RABULAN
MANILA, Philippines – Umapela ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na maging maingat sa mga pulitiko na ginagamit ang programa ng DSWD para sa kanilang sariling agenda.
“Huwag po kayong maniniwala kapag po may mga kandidato o mga politiko na nagsabing pwede nila kayong ipasok o tanggalin mula sa programa,” sabi ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce sa ginanap na “4Ps Fastbreak”, isang online program ng DSWD.
Sinabi pa ni DC Ponce “Tanging DSWD lang po ang maaaring magtanggal doon sa mga beneficiaries ng 4Ps at hindi po tayo basta-basta nagtatanggal.”
“Yung pagtatanggal po natin ng mga beneficiaries, maliwanag po na nakasaad sa batas kung anu-ano lang yung mga pamamaraan para po kayo ay mawala sa programa,” dagdag pa niya.
Upang mapangalagaan ang mga programa at serbisyo ng ahensya sa anumang pulitikal na hangarin, naglabas ang ahensya ng Memorandum Circular (MC) No. 9, S. 2021 o “Policy Guidelines on Strengthening Partnership with Stakeholders During Election and Non-Election Periods”.
Sa ilalim ng MC, pinagtitibay nito ang mga advocacy work ng ahensya sa pagpapakalat ng mga impormasyon ng lahat ng programa at serbisyo nito upang hindi magamit sa pampulitika.
Paliwanag ni DC Ponce, ang mga aktibidad tulad ng gathering ng mga 4Ps beneficiaries ay pinapayagan, kabilang na rito ang meetings ng mga volunteers o parent leaders kung kinakailangan.
Maaari namang makipag-ugnayan ang concerned citizen sa 4Ps text hotline no. 0918-912-2813 kung may mga insidente ng pamumulitika. (Santi Celario)