Home NATIONWIDE Parak na holdaper sa gabi nakipagbarilan sa kabaro, todas

Parak na holdaper sa gabi nakipagbarilan sa kabaro, todas

275
0

Bulacan – Patay ang isang lalaki na umano’y isa palang pulis nang manloob sa convenience store at makipagbarilan sa mga tumugis na kabaro sa bayan ng Marilao nitong gabi ng Nobyembre 10.

Sa report na nakarating kay PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, Regional Director ng Police Regional Office 3, isang tawag ang natanggap ng Marilao police station bandang 8:30 ng gabi na may nagaganap na holdapan sa isang convenience store sa Brgy. Sta. Rosa 1.

Nabatid na agad rumesponde ang mga tauhan ng istasyon sa lugar para beripikahin ang nasabing report.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek ay naka-suot ng pulang jacket nang pumasok sa nasabing establisimento na nagkunwaring customer hanggang sa bumunot ng baril at nagdeklara ng holdup.

Kinuha umano ng suspek ang P20,000 benta ng tindahan at mabilis na tumakas sa lugar lulan ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Brgy. Loma de Gato.

Dahil dito, nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis hanggang sa mamataan ang suspek na kanilang pinara subalit bumunot ito ng baril at namaril.

Walang nagawa ang mga pulis kundi gumanti ng putok kaya tinamaan ang suspek na agad nilang isinugod sa ospital para sa paunang lunas subalit binawian din ito ng buhay kalaunan.

Sa beripikasyon ng mga awtoridad nalamang miyembro ng law enforcement community ang hindi pinangalanang indibiduwal.

Sinasabing patuloy ang komprehensibong imbestigasyon para madertimina na posibleng sangkot ito sa sindikatong nanloloob sa mga convenience store sa Gitnang Luzon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here