Home HOME BANNER STORY Parak na sangkot sa basketbol rambol iniimbestigahan ng NAPOLCOM

Parak na sangkot sa basketbol rambol iniimbestigahan ng NAPOLCOM

4
0

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang umano’y pagkakasangkot ng isang off-duty na pulis sa rambulan sa larong basketball sa Tondo, Manila noong Setyembre 27.

Ayon sa ina ng isang menor de edad na sangkot sa insidente, sinuntok umano ng isang pulis ang kanyang anak at sinakal pa ito.

Sa kabila nito ay sinabi ng pulis sa mga opisyal ng barangay na wala siyang sinaktan at sinubukan lamang na awatin ang gulo.

Sa pahayag nitong Martes, sinabi ni NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan na inatasan na niya ang Inspection, Monitoring, and Investigation Service (IMIS) para makipag-ugnayan sa Manila Police District (MPD).

Apat katao ang sugatan sa insidente kabilang ang dalawang menor de edad.

Ani Calinisan, kukuha ng mga ebidensya ang komisyon at sisiguruhin na kung may nilabag sa police standards o sa umiiral na batas ay pananagutin ito nang naaayon sa due process.

“Hindi dahilan ang pagiging off-duty para makaiwas sa pananagutan. Ang bawat pulis ay inaasahang maging tagapagtanggol ng mamamayan, hindi dahilan ng kanilang takot,” aniya.

“Bilang Pulis ng Pulis, tungkulin ng NAPOLCOM na tiyaking walang pang-aabuso o iregularidad ang palalampasin. Lalo na kung mga bata ang nasaktan, dapat manaig ang katotohanan at hustisya,” dagdag pa ni Calinisan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here