Home NATIONWIDE Parak na suspek sa Camilon missing case pinakawalan ni Bato

Parak na suspek sa Camilon missing case pinakawalan ni Bato

MANILA, Philippines – Nakalaya na sa Senate detention si Police Major Allan de Castro, ang pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon, ayon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Ang desisyon ay nangyari dalawang araw matapos i-cite in contempt si De Castro ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na pinamumunuan ni Dela Rosa, dahil sa umano’y pagsisinungaling tungkol sa napaulat na relasyon nila ni Camilon.

“Pinakawalan ko dahil bakasyon ang Senado ng more than one month. Walang magaganap na hearing. Well, bakasyon, naka-break ang Senado. So, hindi ko kailangan ang presensya niya. Pagbalik ng Senado, kung magkakaroon pa kami ng hearing, ipapatawag natin ulit. siya,” ani Dela Rosa sa mga mamamahayag sa isang panayam sa telepono.

“‘Yun naman for humanitarian reason na rin,” aniy pa.

Ayon kay Dela Rosa, kinonsulta niya si Senador Robin Padilla, na gumawa ng mosyon na i-contempt si De Castro, at sumang-ayon na dapat palayain ang pulis na sangkot sa kaso ni Camilon habang walang sesyon ang Senado.

Ibinahagi rin ni Dela Rosa na may kausap sila ni De Castro at naging emosyonal ang huli.

“Umiiyak nga hindi na daw talaga niya girlfriend at wala daw silang relasyon. So ano bang klaseng relasyon meron kayo kung inaakusa ka ng karamihan na girlfriend. Iyak lang siya at sabi niya hindi niya girlfriend,” ani Dela Rosa, na dating hepe ng Philippine National Police.

Bagama’t ibinahagi ni De Castro ang kanyang emosyon kay Dela Rosa, sinabi ng mambabatas na hindi siya kumbinsido. RNT

Previous articleArjo, tatakbong mayor ng QC? Ibyang, nagpaliwanag!
Next articleNag-apruba sa Chocolate Hills resort, tserman lang – DILG