Home ENTERTAINMENT Arjo, tatakbong mayor ng QC? Ibyang, nagpaliwanag!

Arjo, tatakbong mayor ng QC? Ibyang, nagpaliwanag!

Manila, Philippines – Sa Mayo 2025 pa ang mid-term elections.

Pero para sa mga lalahok dito’y katumbas lang ito ng ilang tulog.

Kamukat-mukat mo nga naman kasi’y laganap na ang simoy ng eleksyon.

Ngayon pa lang kasi–or even much earlier–ay naghahanda na ang mga nagnanais pumosisyon: sa mapa-lokal man o pampambansa puwesto.

Isa na rito ang Quezon City District 1 Representative Arjo Atayde.

Maugong kasi ang balita-balita sa lungsod na aasintahin niya ang pagka-mayor ng tinaguriang City of the Stars.

Mabilis naman itong itinanggi ng ina ng pulitikong aktor.

“Walang katotohanan ‘yan!” mabilis na pagdedenay ni Sylvia Sanchez.

Ayon sa aktres, malabo raw kalabanin ni Arjo ang kasalukuyang nakaupong si Mayor Joy Belmonte.

Bukod sa mataas daw ang respeto ni Arjo sa kanilang city leader, utang daw ng anak kay Mayor Joy kung bakit siya napadpaad sa larangan ng pulitika.

Si Mayor Joy raw ang nagsilbing driving force na naniwala sa kakayahan ni Arjo.

Dagdag pa ni Sylvia: “Saka ayaw ni Arjo…pangalawa, aayawan din namin ng asawa ko!”

Matatandaang unang sabak pa lang ni Arjo sa political fray at pinalad manalo noong 2022 elections.

Tandang-tanda pa ni Sylvia ang ginawang paninira laban kay Arjo mula sa kampo ng kanyang mga katunggali, to the point na personal na ang mga atake.

Inamin ni Sylvia na hindi nila pinag-aksayahang pumatol noon dahil mga “troll” lang daw ang mga ito na hindi nag-eexist sa totoong buhay.

Ronnie Carrasco III

Previous articleDigong nangunguna sa 2025 senatorial Tangere survey
Next articleParak na suspek sa Camilon missing case pinakawalan ni Bato