Home METRO Parak patay sa lamay sa Iligan

Parak patay sa lamay sa Iligan

250
0

ILIGAN CITY, Philippines – Isang pulis ang binaril at napatay habang dumalo sa isang lamay noong Lunes ng gabi sa Purok 9, Barangay Tipanoy, sa lungsod na ito.

Kinilala ng Iligan City Police Office (ICPO) ang biktima na si Police Chief Master Sgt. Mark Hermoso, na nakatalaga sa Iligan City Mobile Force Company.

Ayon sa imbestigasyon, may lalaking sakay ng motorsiklo na biglang dumating at pinaputukan ang biktima gamit ang isang .45 caliber pistol.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang gunman.

Agad namang isinugod sa ospital si Hermoso ngunit binawian ng buhay dahil sa maraming tama ng bala.

Patuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin at ang motibo sa krimen. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here