Home METRO Parak swak sa selda sa Maguindanao massacre

Parak swak sa selda sa Maguindanao massacre

MAGUINDANAO DEL NORTE- Arestado ang isang pulis na iniuugnay sa 2009 Maguindanao massacre, noong Lunes sa bayan ng Parang.

Kinilala ni Maguindanao del Norte police chief Police Col. Eleuterio Ricardo Jr. ang nadakip na si Police Officer 1 Datunot Kadir, 48, tubong Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Norte.

Sa bisa ng warrant na arrest na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa Quezon City, nahuli ang suspek hapon noong Pebrero 3, 2025 matapos bumisita sa kanyang kaanak sa Barangay Making, Parang, Maguindanao del Norte.

“Police authorities were alerted of his whereabouts following a tip from a concerned citizen and an appeal from his relatives for his peaceful surrender,” ani Ricardo.

Pinuri naman ni Ricardo ang mga operating unit sa matagumpay at mapayapang pag-aresto sa suspek.

Naglaan ang gobyerno ng P250,000 pabuya para sa impormasyon o pagkahuli sa mga suspek kaugnay ng masaker sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Nobyembre 2009 na ikinasawi ng 58 indibidwal kabilang ang 31 mamamahayag. Mary Anne Sapico