Home ENTERTAINMENT Sharon, iwas-pusoy sa balikang KC-Aly!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sharon, iwas-pusoy sa balikang KC-Aly!February 5, 2025 11:45 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Dalawang taon ding magnobyo sina KC Concepcion at Aly Borromeo until they drifted apart in 2018.Si Aly ay ang team captain ng Azkals, ang national football team.Pero last year nang umugong ang balitang may balikang naganap sa kanilang pagitan.August nang mabalitang magkasama sila sa Paris.At noong October ay dumalo pa si KC sa celebrity cup ng Azkals yet hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang panganay ni Sharon Cuneta.Tila the best person para hingan ng reaksyon ay mismong si Sharon.Posibleng may nai-confide si KC sa kanyang ina.Hkwever frank that she is, halatang umiiwas ang Megastar sa topic on KC’s reconciliation with Aly.Aniya: “I think you should ask her.“My daughter is a full-fledged adult. I think she’ll be happy to answer that.”Inihabol pa ni Sharon ang linyang: “I don’t want to betray her trust naman!”Kunsabagay, no other person can clarify the issue except the one involved–either KC or Aly.Open book na ang bati-galit relationship ng mag-ina.Obyus na nag-lingat lang si Sharon to avoid her relationship with her daughter getting strained again.Klaro naman ang sagot ng Megastar: “I don’t want to pry into KC’s lovelife!” Ronnie Carrasco III