MANILA, Philippines- Kinastigo ni Senador Risa Hontiveros ang umano’y kakuparan ng Commission on Elections (Comelec) sa pag-imprenta ng balota sa kabila ng pumaloob ang ahensya sa P18.827 bilyong kontrata sa Miru System.
Sa kanyang privilege speech nitong Lunes, kinastigo ni Hontiveros ang Comelec sa pagsasagawa ng proseso na tinaguriang “trusted build” kada may idadagdag o ibabawas na pangalan sa sistema.
“Bakit kailangan ng COMELEC at ng Miru na magsagawa ng paulit-ulit na “trusted build” bawat beses na may pag-papalit ng kahit isang pangalan lang sa listahan ng kandidato?” tanong ni Hontiveros.
Aniya, nagsagawa ng adjustments ang Comelec sa Election Management System (EMS), Automated Counting Machines, Consolidation, and Canvassing System, at iba pang election software upang tanggalin o dagdagan ang pangalan ng nagwithdraw o diskwalipikadong kandidato.
Itinulad ito ni Hontiveros sa pagbaklas at muling pagbuo ng buong makina ng kotse kapag may papalitang isang piraso ng turnilyo.
“Every time the COMELEC and Miru rebuild the software, she said that there is a chance that malicious code might be introduced into our automated election systems,” ayon kay Hontiveros.
Aniya, base sa Comelec, maaari silang magdagdag ng isang feature upang payagan ang sistema na magdagdag ng pangalan nang hindi gagamitin ang bagong “trusted builds.”
“Why were basic features – like adding or removing candidate names – not included in the system in the first place, especially considering that the Terms of Reference require that the Election Management System enable the COMELEC to create, retrieve/read, update and delete records, or CRUD for short?” tanong niya.
“Bilyon-bilyon ang kontrata, pero add o minus lang ng kandidato, magiging sanhi pa ba ng delay sa halalan sa Mayo?” dagdag ng senadora.
Iginiit pa ng senadora na kahit tiniyak ng Comelec na ginagawa ang lahat alinsunod sa schedule, nakapagtataka umanong kinalap ng ahensya ang National Printing Office upang makatulong sa pag-imprenta ng milyong balota sa bawat presinto sa araw ng halalan.
“Perhaps they did the math and determined that the two – and yes, you heard that correctly, two – printers provided so far by Miru Systems will not be enough to meet daily ballot printing targets in time for the elections,” wika ni Hontiveros.
Idinagdag ni Hontiveros na inamin ng Comelec na gagamitin ang mas murang papel na may kapal na 90 gsm (0.07mm) o mas manipis nang kalahati sa ballot papers na ginamit sa nakaraang eleksyon na baka magkaroon ng problema sa araw ng halalan.
“Mr. President, we paid a record high amount of pesos for the 2025 automated elections and this is what we get – delays. And when it comes to elections, delays can have serious consequences for our people and our very democracy itself,” aniya.
Nilinaw din ni Hontiveros na wala itong adhikain na magpakalat ng pangamba o takot sa susunod na eleksyon at suportado nito ang Comelec sa pagsasagawa ng malaya, malinis at mapagkakatiwaalng eleksyon sa 2025.
“Thus, I would like to challenge the COMELEC to ensure that everything is in order well before the May 2025 elections. After all, its constitutional mandate includes identifying and acting on issues that may cause delays in the conduct of our elections,” aniya. Ernie Reyes