Home NATIONWIDE Paratang na kickback handang harapin ni Revilla

Paratang na kickback handang harapin ni Revilla

271
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni dating senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. na haharapin niya “head-on” ang “untrue” allegations sa kanya ng dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nag-akusang tumatanggap siya ng mga kickback mula sa infrastructure projects.

Matatandaan na sinabi ni dating DPWH undersecretary Roberto Bernardo nitong Huwebes, Setyembre 25 na personal siyang nakipagkita kay Revilla noong 2024 kung saan humingi umano ito ng “commitment” na gagamitin para sa kanyang senatorial bid sa kasunod na taon.

Ani Bernardo, idineliber niya ang P150 milyon sa bahay ni Revilla sa Cavite.

Sa pahayag na inilabas ng Divina Law, kinondena ni Revilla ang alegasyon ni Bernardo na tinawag niyang “absolutely untrue.”

“Mr. Revilla welcomes and is fully prepared to cooperate with any official inquiry or legal process to shed light on the truth,” saad sa pahayag ni Revilla.

“It is not in his character to shy away, hide from, or evade challenges. Mr. Revilla is one with the public in demanding accountability. He will not allow sinister forces to use his good name to thwart that end.”

“He will face this head-on,” dagdag pa.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa kaparehong araw, itinuro rin ni Bernardo sina dating Senate president Francis Escudero, Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, at dating senador Nancy Binay na may kaugnayan sa umano’y kickback scheme.

Itinanggi naman ni Co ang alegasyon, habang sinabi ni Escudero na ang paratang ni Bernardo ay bahagi ng “well-orchestrated plan to attack the Senate and its members.”

Samantala, sinabi ni Binay na ang kanyang “performance in public service has always been above board.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here