Home NATIONWIDE Paratang sa pagtanggap ng pera galing kay Zaldy Co, itinanggi ng Comelec...

Paratang sa pagtanggap ng pera galing kay Zaldy Co, itinanggi ng Comelec chair

159
0

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga akusasyon ng mga ex-marines na nakatanggap umano siya ng pera mula kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Sa isang press conference noong Lunes, Pebrero 24, ang mga nagpakilalang 18 dating miyembro ng Philippine Marines ay nagsabing nagdala sila ng maleta na naglalaman ng milyong halaga ng pera sa iba’t ibang opisyal ng pamahalaan.

Isa si Garcia sa nabanggit sa nasabing pulong-balitaan, na kanya namang itinanggi.

Ayon kay Garcia, malinaw sa naging pahayag ng mga nagpakilalang dating sundalo na wala silang maibigay na detalye kung kailan nangyari ang sinasabing pagbibigay ng pera, kahit pa napakarami ng kanilang mga alegasyon.

Giit ni Garcia, basic sa isang akusasyon ang pagkakaroon ng panahon kung kailan nangyari ang insidente, ngunit wala aniya silang maibigay na detalye laban sa Comelec.

Ibig sabihin, walang naganap na bigayan ng pera at hindi totoo ang sinasabi ng mga dating sundalo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here