MANILA, Philippines – Dinagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) sa 14,900 ang bilang ng mga pulis na ipinakalat upang tiyakin ang seguridad sa mga rally kaugnay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ayon kay PNP Director for Operations Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, nadagdagan ang deployment mula sa unang 13,000 pulis bilang paghahanda sa inaasahang pagdalo ng hanggang 30,000 katao mula sa civil society, church, at progressive groups.
“Many groups want this to be peaceful. What we are really monitoring here are the groups whom we believe to be agitating others so that there’d be violence,” ani Peñones.
“This is the focus of our deployment. This is the focus of our police force to see to it that those groups won’t be able to inflict harm and agitate others in the crowd,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Peñones na patuloy ang monitoring ng pulisya sa posibleng banta, kabilang ang online recruitment upang mag-udyok ng karahasan, ngunit wala pa silang nakikitang seryosong banta sa ngayon.


Tanging ang Trillion Peso March Movement, Tindig Pilipinas, at Siklab ang nabigyan ng permit na magdaos ng rally sa White Plains Avenue malapit sa People Power Monument. Gayunman, inaasahan pa rin ang pagdalo ng iba pang grupo, kabilang ang mga kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.




