Home METRO Parcel galing NCR buking na may lamang dried marijuana pagdating sa Cebu

Parcel galing NCR buking na may lamang dried marijuana pagdating sa Cebu

CEBU CITY- Natuklasang naglalaman ang isang parcel na galing sa National Capital Region ng dried marijuana leaves nang dumating ito sa isang warehouse sa Mandaue City, Cebu.

Nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas ang tatlong kilo ng dahon ng marijuana sa routine random inspection sa warehouse ng isang package forwarding company sa Barangay Subangdaku nitong Huwebes ng hapon.

Isinagawa ang inspeksyon ng K9 team ng PDEA-7 Seaport Interdiction Unit.

Sinabi ni PDEA-7 information officer Leia Alcantara na nakalagay ang dried marijuana leaves na may fruiting tops sa tatlong bloke na may bigat na tatlong kilo at may average market value na P360,000. 

Nakapangalan ang dalawang pakete sa isang indibidwal habang ang ikatlo ay ibang tao. Hindi pinangalanan ng  PDEA-7 ang nasabing consignees habang gumugulong ang imbestigasyon.

Kakasuhan ang sender at dalawang consignees ng kaukulang kaso sa korte, ayon kay Alcantara.

Isinumite ang mga ebidensya sa PDEA-7 Regional Office Laboratory para sa wastong disposisyon.

“The PDEA-7 commends the management of the forwarding company for assisting in the efficient and expeditious inspection and inventory of the confiscated dangerous drugs,” ani Alcantara. RNT/SA