Home NATIONWIDE Partial ops ng North-South Commuter Railway iniurong sa 2027

Partial ops ng North-South Commuter Railway iniurong sa 2027

MANILA, Philippines – Iniurong ng isa pang taon, o sa 2027 ang partial operation ng North-South Commuter Railway, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes, Hunyo 13.

Ang northern line ng NSCR o mula Clark, Pampanga hanggang Valenzuela City sa Metro Manila ang unang pagaganahin.

Kamakailan ay sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista at Philippine National Railways (PNR) Chairman Michael Macapagal na ang bahaging ito ng train line ay matatapos sa 2026.

Samantala, ang Manila to Calamba, Laguna segment ng proyekto ay inaasahang gagana sa 2029.

Ang kabuuang NSCR project, na binubuo ng 35 na istasyon ay inaasahang makukumpleto at magiging fully operational sa 2028.

Nagkaroon ng delay dahil sa patuloy pa ring hamon ng DOTR pagdating sa right-of-way acquisition.

Ani Bautista, ito ang dahilan kung bakit gumawa ang pamahalaan ng inter-agency task force na tututok sa pagresolba sa right of way issues kaugnay sa mga railway project.

Nagpapatuloy ang relokasyon para sa mga pamilyang apektado ng proyekto.

Ang NSCR ay 147-kilometer mass transit system na planong ikonekta ang Clark, Pampanga patungong Calamba, Laguna.

Inaasahan itong magdadala ng 800,000 pasahero araw-araw at babawas sa travel time mula Clark Airport hanggan Calamba mula dalawang oras sa kasalukuyang apat na oras. RNT/JGC