Home NATIONWIDE Alokasyon ng tubig para sa MWSS tataasan ngayong Hunyo – DENR

Alokasyon ng tubig para sa MWSS tataasan ngayong Hunyo – DENR

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang hiling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na taasan ang alokasyon nito mula sa Angat-Ipo-La Mesa water system para sa kabuuan ng Hunyo.

“It was approved already. We received the request from MWSS for an extra one cubic meter per second (cms) allocation for the [rest] of month of June,” pahayag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Carlos Primo David sa isang panayam.

Ang NWRB ay attached agency ng DENR.

Nitong Martes, Hunyo 11, sinabi ni MWSS Administrator Leonor Cleofas na hiniling ng ahensya sa NWRB na taasan ang alokasyon nito para sa June 16-30 period sa 53 cms mula sa kasalukuyang 51 cms sa June 1-15 period.

Masisiguro sa pagdaragdag ng alokasyon mula sa Angat system na walang magiging water interruptions sa Metro Manila at mga karatig-lugar.

Nilinaw ni David na ang karagdagang one cms allocation mula sa MWSS ay “on standby volume” na nangangahulugang ilalabas lamang nila ito kung kinakailangan.

Ayon sa DENR official, ang volume ay kukunin mula sa alokasyon ng National Irrigation Administration kasabay ng pagsisimula ng tag-ulan, kung saan karamihan sa mga sakahan ay sagana sa tubig. RNT/JGC