Home NATIONWIDE Ex-PRRD gagawa ng legal na hakbang vs mga pulis na nagsilbi ng...

Ex-PRRD gagawa ng legal na hakbang vs mga pulis na nagsilbi ng arrest warrant kay Quiboloy

MANILA, Philippines – Nakatakdang gumawa ng legal at nararapat na hakbang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na gumamit umano ng “excessive and unnecessary force” sa pagsisilbi ng arrest warrant laban sa puganteng si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy at lima iba pa.

“While I am saddened to do this given my personal, and in the past, official support for the police and the Armed Forces of the Philippines (AFP), my duties as Administrator of Church Properties demand that I take legal and appropriate action,” saad sa pahayag nu Duterte nitong Huwebes, Hunyo 13.

Inatasan na ni Duterte ang paghahanda ng affidavit para sa mga miyembro ng KOJC na nasaktan at na-trauma sa “unfortunate incident” noong Lunes, Hunyo 10, kasama ang imbentaryo ng mga nasirang ari-arian ng simbahan.

Anang dating Pangulo, dapat na gumawa ng aksyon ang simbahan dahil ang pag-trespass ay naibroadcast sa buong mundo sa social media at nagbigay ng impression na ang bansa ay nagiging isang police state na.

“While the damage has been done, the opportunity is there to rectify the errors brought about by trampling fundamental rights in the illegal raid by granting the relief and legal remedies provided by law,” dagdag ni Duterte.

Aniya, ang obsession ng administrasyon na sirain ang religious leader bago pa mahatulan ng korte ay ang eksaktong pagmamaniobra umano na ginagawa nito upang mailayo ang atensyon ng publiko sa korapsyon, incompetence at abuse of authority.

“Again, it is with a heavy heart that I am constrained to take action against all those responsible for the coordinated but illegal raid. Notwithstanding my convictions, the law must be upheld,” sinabi pa ni Duterte. RNT/JGC