Home NATIONWIDE Participation applications ng mga biktima sa kaso ni Duterte, ipinasa na ng...

Participation applications ng mga biktima sa kaso ni Duterte, ipinasa na ng ICC Registry

332
0

THE HAGUE – Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) Registry ang pagpapasa ng mga aplikasyon ng mga biktima na nais lumahok sa pre-trial proceedings laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa dokumentong may petsang Agosto 27, 2025, ipinasa ng Registry sa Pre-Trial Chamber I ang kabuuang 25 aplikasyon. Labinlima ang napabilang sa Group A at 10 sa Group B.

Bahagi ito ng sistematikong proseso ng victim participation na nakasaad sa court order noong Abril 17, 2025. Ang Victims Participation and Reparations Section (VPRS) ng ICC Registry ang nagsusuri sa mga aplikasyon.

“The Registry hereby transmits to the Chamber 15 applications assessed by the Victims Participation and Reparations Section of the Registry as Group A applications and 10 applications assessed as Group B,” nakasaad sa ulat.

Mananatiling kumpidensyal ang mga dokumento upang maprotektahan ang pagkakakilanlan at seguridad ng mga biktima.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong drug war na kaniyang pangunahing polisiya. Tinatayang nasa pagitan ng 12,000 hanggang 30,000 sibilyan ang napatay sa kampanyang ito, ayon sa mga taga-usig sa The Hague. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here