Home NATIONWIDE Remulla naghain ng mosyon sa Ombudsman

Remulla naghain ng mosyon sa Ombudsman

263
0

MANILA, Philippines – Naghain na ng mosyon si Justice Secretary Jesus Crsipin Remulla sa Office of the Ombudsman.

Ito ay kaugnay sa inihain ni Senator Imee Marcos ukol sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa press brefing, kasabay ng kumpirmasyon ni Remulla sa paghahain nito ng petisyon, sinabi nito na kumpiyansa naman siya na makakakuha ng clearance mula sa Ombudsman at aabot sa itinakdang deadline ng Judicial and Bar Council.

Ayon kasi sa Korte Suprema, hindi maaaring mapabilang sa shortlist para sa Ombudsman position kung may pending case o walang clearance mula sa Ombudsman.

Bukod dito, naghain din ang senadora ng opoosition para harangin ang mosyon ni Remulla dahil na rin sa kinakaharap nitong reklamo sa pagkaaresto ni Duterte.

Tumanggi namang magkomento si Remulla sa pahayag ni Senator Marcos na nais lamang umano nitong umupo sa Ombudsman para mapanagot si Vice President Sara Duterte. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here