MANILA, Philippines- Nahuli ng National Bureau of Investigation ang isang babaeng pasahero ng isang flight patungong Thailand sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa umano’y human trafficking.
Ayon sa NBI nitong Huwebes, tatlong Pilipinong papunta sa Thailand ang inendorso sa NBI matapos magpresenta ng ilang dokumento mula sa umano’y organisasyon ng suspek.
Lumabas sa imebstigasyon na dalawa sa mga biktima ang nagpanggap na missionary volunteers, at balak sanag magturo sa Thailand.
Sa pagsusuri ng Department of Migrant Workers (DMW), naberipikang ang organisasyon ng suspek ay walang lisensya o awtorisasyon upang mag-recruit ng mga manggagawa para sa overseas deployment, dahilan upang arestuhin siya. RNT/SA