Home METRO Pasaway na rider pinara sa checkpoint, namaril; ex-tserman tigok , 2 sugatan

Pasaway na rider pinara sa checkpoint, namaril; ex-tserman tigok , 2 sugatan

Calapan City, Oriental Mindoro — Patay ang isang indibidwal habang dalawa pa ang sugatan makaraang pagbabarilin ng isang suspek na sakay ng motorsiklo sa checkpoint ng LTO nitong Huwebes ng umaga.

Nagsimula ang insidente nang parahin sa checkpoint ang 44-anyos na suspek dahil sa traffic violations. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan niya at ng mga tauhan ng LTO, ayon kay Calapan police chief LtCol. Roden Fulache. Biglang bumunot ng baril ang suspek at nagsimulang barilin.

Si dating barangay kapitan Angeles Marasigan, 85, ay napatay habang nasa malapit na tindahan. Nagtamo ng mga pinsala sa pag-atake ang mga tauhan ng LTO na si Gerardo Garcia at isa pang bystander.

Tumakas ang suspek habang tinutugis ng mga pulis ngunit inabandona ang kanyang motorsiklo sa Barangay Malamig. Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ang sasakyan at mga basyo ng bala ng 9mm habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT