Home ENTERTAINMENT ‘Pagkamatay’ ni Billy, fake news!

‘Pagkamatay’ ni Billy, fake news!

Manila, Philippines- Next to one’s family of any celebrity ay management office o home studio niya ang credible source ng anumang balita tungkol sa kanya lalo’t maselan.

Pinalagan kasi ng Viva Artist Agency o VAA ang kumamakalat na mga TikTok videos na nag-uulat ng pagpanaw ni Billy Crawford.

Tahasang binansagan ng VAA na fake news ang naglipana sa social media.

Narito’t kababalik lang ni Billy mula sa Paris, France.

Almost three months din siyang namalagi roon in connection with his “I Gotta A Feeling: La Tourneè” show.

Sa katunayan, sa kanyang Instagram Stories ay ibinahagi pa niya ang ilang behind the scenes photos showing himself with fellow performers.

“He’s back in the Philippines, healthy and alive!” giit ng VAA.

Kung matatandaan, months ago ay pinagdudahang may undisclosed illness si Billy.

Base kasi sa kanyang mga larawan that time ay obyus na bumagsak ang kanyang katawan.

Billy also denied having resorted to heavy drinking.

Matagal na raw siyang hindi nasasayaran ng alak.

Hindi raw porke he looked sick that time, ibig sabihi’y may iniinda siyang karamdaman. Ronnie Carrasco III