MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Pasay City government na magpapatupad ito ng traffic rerouting scheme upang bigyang-daan ang manhole replacement at drainage repair activities ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Lunes, Agosto 12.
Kasado ang rerouting scheme sa kahabaan ng Arnaiz Libertad Street sa harap ng Quirino bakery.
Lahat ng mga sasakyang manggagaling sa Leveriza Street patungong Taft Ave. ay dapat dumaan sa Park Ave. saka kumaliwa sa P. Reyes at kumanan sa Lions Road patungong Taft Ave.
Samantala, ang mga sasakyang manggagaling sa Burgos Libertad Street patungong Harrison ay dapat kumaliwa sa Taft Ave. Libertad patungong Protacio Taft saka kumanan sa Lions Road at kumanan muli sa P. Villanueva Street saka kumaliwa sa Galvez Street patungong FB Harrison. RNT/SA