Home METRO Pasay mayor kinilala bilang ‘Local Chief Executive of the Year’ sa MOSLIV...

Pasay mayor kinilala bilang ‘Local Chief Executive of the Year’ sa MOSLIV Gala Awards

MANILA, Philippines- Kinilala bilang “Local Chief Executive of the Year” si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa ginanap na 2025 Nation Builders at MOSLIV Gala Awards sa Grand Ballroom ng Okada Manila nitong nakaraang Biyernes, Marso 21.

Layunin ng MOSLIV Awards, na ang ibig sabihin ay “Most Sustainable and Liveable”, na hikayatin ang mga kababayang Pilipino na mag-ambag o tumulong sa global pursuit ng United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs), sumuporta sa katatagan (resilience), katarungan o karapatan (equity), at climate neutrality.

Ang naturang award na tinanggap ni Calixto-Rubiano ay nakapaloob sa iba’t ibang kategorya kabilang na rito ang edukasyon, pangkalusugan, serbisyong komunidad, at inobasyon.

“This award is a testament that education, modernization, and innovation (EMI) really do come hand in hand with overall, wide scale progress. On our road to being the first smart and sustainable EcoCity, this is a welcome reminder of where we are and where we want to be,” ani Calixto-Rubiano.

Ang pagkilala kay Calixto-Rubiano ay bunsod ng kanyang patuloy na magagandang proyekto at kontribusyon sa nation-building at pag-unlad ng lungsod.

Kabilang sa mga tumanggap ng karangalan ay sina dating Senator Leila De Lima, Rep. Eric Go Yap ng Benguet Province, at Parañaque District 2 Rep. Gustavo S. Tambunting.

Ang naturang kaganapan ay dinaluhan ni Sen. Shelly V. Calvo ng 38th Guam Legislature, ang kauna-unahang nahalal na Filipino-American na senador sa Guam na siyang nagsilbi bilang Guest of Honor at speaker ng naturang okasyon. James I. Catapusan