Home METRO Pasig LGU nagpamahagi ng libreng gamot para sa mental health

Pasig LGU nagpamahagi ng libreng gamot para sa mental health

243
0

MANILA, Philippines – Nagbibigay ang lokal na pamahalaan ng Pasig ng libreng gamot sa mga pasyenteng naka-enroll sa Mental Health Program ng lungsod.

Ayon sa Mental Health Office ng Pasig, mula Enero 19, may 22 uri ng gamot para sa mental health na ibinibigay ng Department of Health (DOH). Maaari rin itong makuha ng mga hindi residente ng Pasig.

Ang mga nais mag-avail ay hinihikayat na pumunta sa pinakamalapit na Barangay Health Center at magparehistro sa Mental Health Program upang makabuo ng kanilang personal na rekord.

Kinakailangan nilang magpakita ng valid o updated na reseta, valid ID, at medical certificate na may diagnosis, kung mayroon.

Kapag available ang gamot, agad itong ipamimigay matapos ang assessment. Kung wala sa stock, tutulungan ng staff ang pasyente sa pag-request at ipapaalam kung kailan maaaring bumalik para kunin ang gamot. Binanggit ng opisina na maaaring magbago ang stock depende sa suplay.

Para sa mga update at anunsyo, maaaring sundan ang Pasig City Mental Health Office Facebook page. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here