MANILA, Philippines – BILANG bahagi ng taunang gift-giving tradition, muling inilunsad ng Valenzuela City ang taunang “Pasko sa Hulyo 2025″ matapos simulang mamahagi ng mga regalo nitong Hulyo 10.
May kabuuang 72,218 Valenzuelano senior citizens ang nakatakdang tumanggap ng 10 kilo ng bigas mula sa lokal na pamahalaan sa itinakdang five-day distribution program simula July 10, 11, 12, 18, at 19 sa iba’t- ibang barangay ng lungsod.na may total budget na P35,640,000.
Bago ang pamamahagi, personal na ibinigay sa tahanan ng mga lolo at lola ang rice gift vouchers na nakatala kung anong oras, at petsa makukuha ang bigas.
Sa mga senior citizens na hindi personal na kukuha ng kanilang regalong bigas, maaaring kunin ng kinatawan nito, basta may authorization letter na may lagda ng senior citizen, at OSCA-issued ID ng benepisyaryo.
Ayon kay Mayor WES Gatchalian, ang Pasko sa Hulyo ay hindi lamang sa pamimigay ng bigas, kundi pasasalamat ng pamahalaang lungsod sa mga Lolo and Lola na tumangkilik at sumuporta kung ano ang kaunlaran ng Valenzuela ngayon, na matiwasay at payapang namumuhay sa kapaligiran anong edad at kasarian man.
Tanging mga residenteng senior citizens ng Valenzuela City ang opisyal na rehistrado sa OSCA ang makatatanggap ng 10-kilogram rice gift ngayong Pasko sa Hulyo. Merly Duero