Home NATIONWIDE Paggalugad sa Taal Lake aabutin pa ng 6 na buwan-DOJ

Paggalugad sa Taal Lake aabutin pa ng 6 na buwan-DOJ

243
0

MANILA, Philippines – Posibleng abutin ng anim na buwan ang paghahanap sa mga nawawalang sabungero.

Ito ang naging pagtaya ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nang tanungin hinggil sa mga narekober na buto sa Taal Lake na kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na buto ito ng mga tao.

Sinabi ni Remulla na hindi madali ang ginagawang paghahanap sa mga labi sa Taal Lake na may lawak na 224 square kilometers.

Dagdag ng kalihim, tatlong taon nang tinatrabaho ng Department of Justice (DOJ) ang kaso at sa ngayon ay nasa proseso na sila ng pagbuo ng lahat ng mga ipiprisintang mga ebidensya.

Sa linggong ito aniya ay kinakalap na nila ang DNA samples ng mga kaanak ng missing sabungeros.

Una nang sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na nakakuha na ng DNA samples sa 12 kaanak ng missing sabungeros. Ang mga sample at mga narekober na labi sa Taal Lake ay isasailalim sa scientific examination ng PNP Forensic Group.

Una nang ibinunyag ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan na itinapon umano sa Taal Lake ang bangkay ng mga nawalang sabungero. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here