Home NATIONWIDE Pasok sa 1st, 2nd level courts sa NCR, suspendido sa nationwide transport...

Pasok sa 1st, 2nd level courts sa NCR, suspendido sa nationwide transport strike

144
0
Supreme Court

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ang trabaho sa lahat ng first at second-level courts sa National Capital Region dahil sa patuloy na nationwide transport strike.

Ayon sa SC, magsisimula ang suspensyon ng operasyon mula alas-2 ng hapon.

Sa pahayag ng SC pinagtitibay sa mga executive judge na may sapat na skeleton workforce sa kanilang mga istasyon para tugunan ang mga agarang kahilingan tulad ng piyansa, release orders, writs of habeas corpus, at iba pang urgent reliefs.

Pinag-utos din na panatilihin ang mga hotline habang suspendido ang operasyon.

Samantala, sinimulan ng isang koalisyon ng transport groups ang kanilang dalawang araw na nationwide strike bilang protesta sa tumataas na presyo ng gasolina dulot ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang state of national energy emergency at inatasan ang pagpapatupad ng Unified Package para sa Kabuhayan, Industriya, Pagkain, at Transportasyon para sa mga apektadong sektor.

Nilagdaan din niya ang batas na nagbibigay sa kanya ng emergency powers para suspendihin o bawasan ang excise tax rate sa fuel.

Ayon sa pulisya, 415 gas stations sa buong bansa ang pansamantalang sarado simula Miyerkules ng umaga dahil sa tumataas na presyo ng gasolina. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here