Home METRO Pasok sa Malabon National High School sinuspinde sa banta ng pagpatay

Pasok sa Malabon National High School sinuspinde sa banta ng pagpatay

1
0

MANILA, Philippines – KAAGAD iniutos ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang pagsuspinde sa pang-hapong klase sa Malabon National High School, kasunod ng natanggap na pagbabanta sa pamamagitan ng social media hinggil sa umano’y magaganap na pagpatay sa mga estudyante sa naturang paaralan.

Sa kalatas na inilabas mula sa tanggapan ni Mayor Jeannie Sandoval, pinayagan na nilang umuwi ang mga mag-aaral sa naturang paaralan, bilang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.

Aas-8:45 ng umaga nang i-post sa FB page ng isang nagpakilalang Bela Asx ang umano’y magaganap na pagpatay sa mga estudyate mula Grade 7 hanggang Grade 12 na magsisimula ng alas-2:30 ng hapon sa pamamagitan ng pamamaril at wala silang pake kung mahuli man sila.

Agad nakipag-ugnayan ang pamahalaang lungsod kay Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission at kay NPD Director Benliner Capili kaya kaagad rumesponde ang mga pulis sa loob at paligid ng paaralan upang tiyakin ang seguridad habang nagpapatuloy ang masusing imbestigasyon kaugnay sa kumalat na pagbabanta.

Tinitiyak din ng mga awtoridad na ang sinumang mapatutunayang responsable ay pananagutin at sasailalim sa buong saklaw ng umiiral na batas.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa publiko na manatiling kalmado, umiwas sa pagpapakalat ng mga hindi beripikadong impormasyon, at umasa lamang sa mga opisyal na anunsyo.

“Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral ay nananatiling pangunahing prayoridad,” pahayag ng tanggapan ng alkalde. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here