Home NATIONWIDE Pasok sa mga korte sa Batanes, bahagi ng Ilocos Sur sinuspinde

Pasok sa mga korte sa Batanes, bahagi ng Ilocos Sur sinuspinde

MANILA, Philippines – Nagsuspinde ng operasyon ang ilang mga korte sa Batanes at Ilocos Sur dahil sa Bagyong Julian ngayong Lunes, Setyembre 30.

Sa post, inanunsyo ng Korte Suprema na suspendido ang operasyon ng mga sumusunod na korte dahil sa masamang panahon:

Lahat ng korte at opisina sa Candon City, Ilocos Sur
Lahat ng korte at opisina sa Vigan City, Ilocos Sur
Lahat ng korte at opisina sa probinsya ng Batanes
Lahat ng korte at opisina sa Tagudin, Ilocos Sur
Cabugao Regional Trial Court (RTC) Branch 24. RNT/JGC