MANILA, Philippines – Binuksan ng tatlong dam sa Luzon ang kani-kanilang mga gate bilang paghahanda sa posibleng dami ng ulan na dala ng Bagyong Julian.
Ang mga dam na ito ay ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet, at Magat dam na nasa pagitan ng Ifugao at Isabela.
Hanggang nitong umaga ng Lunes, Setyembre 30, isang gate ang nakabukas sa Ambuklao Dam sa 0.50 meter.
Ang lebel ng tubig sa reservoir nito ay nasa 750.51 meters, o malapit sa 752-meter normal high water level (NHWL).
May dalawang gate naman na nakabukas sa isang metro sa Binga Dam nang maabot nito ang lebel ng tubig na 574.25 meters, o malapit sa 575-meter NHWL.
Samantala, ang Magat Dam ay may isang gate din na bukas sa isang metro sa lebel ng tubig ng reservoir na nasa 184.78 metro. Ang NHWL nito ay 190 meters. RNT/JGC