Home NATIONWIDE Signal No. 4 nakataas pa rin sa Batanes, bahagi ng Babuyan Islands...

Signal No. 4 nakataas pa rin sa Batanes, bahagi ng Babuyan Islands sa Bagyong Julian

MANILA, Philippines – Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 4 sa Batanes at northern portion ng Babuyan Islands dahil sa mabagal na pagkilos ng Bagyong Julian na kakatawid lamang sa Sabtang Island nitong Lunes, Setyembre 30.

Sa 11 a.m. bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng Tropical Cyclone Winds Signals No. 4 ang mga sumusunod na lugar:

Batanes
northern portion ng Babuyan Islands (Babuyan Is., Calayan Is.)

TCWS No. 3

Nalalabing bahagi ng Babuyan Islands
Northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)

TCWS No. 2

Nalalabing bahagi ng mainland Cagayan
Apayao
Abra
Kalinga,
Ilocos Norte
Northern at central portions ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao)

TCWS No. 1

Nalalabing bahagi ng Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Ifugao
Mountain Province
Benguet
Isabela
Nueva Vizcaya
Quirino
Aurora
Northern at eastern portions ng Nueva Ecija (Cuyapo, Rizal, Laur, Pantabangan, Science City of Muñoz, Gabaldon, Carranglan, San Jose City, Lupao, Talugtug, Bongabon, Llanera, Talavera, Palayan City, General Mamerto Natividad)
Polillo Islands

Huling namataan ang bagyong Julian sa coastal waters ng Sabtang Island, Batanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 175 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 215 kph.

Kumikilos ito sa direksyong northwestward sa bilis na 10 kph.

Sa forecast track ng PAGASA, kikilos ito sa pa-kanluran hilagang kanlurang direksyon sa Bashi Channel ngayong Lunes at liliko ng dahan-dahan pagsapit ng Martes.

Inaasahang magla-landfall ito sa Taiwan sa Miyerkules.

“Julian may briefly leave the Philippine Area of Responsibility (PAR) during this period but bulletins are expected to continue,” ayon sa PAGASA.

“The typhoon will then cross the rugged terrain of Taiwan and emerge over the waters east of Taiwan by Thursday (3 October) morning. Afterwards, the typhoon will gradually accelerate northeastward towards the East China Sea and exit the PAR region on Thursday,” dagdag pa. RNT/JGC