Home OPINION SOUTH KOREA INAATAKE NG DEEPFAKE SEX

SOUTH KOREA INAATAKE NG DEEPFAKE SEX

INAATAKE ngayon ang mga babaeng South Korean ng deepfake sex o pornograpiya.

Pangunahing biktima ang mga kabataan na gumagamit ng social media sa pag-aaral at pakikipagsosyalan o pakikipagkaibigan.

Mga nasa nasa elementarya, high school at kolehiyo.

Kaya naman, upang makaiwas ang mga babaeng kabataan sa deepfake sex scandal, inaalis na nila ang kanilang mga litrato, maging ang litrato ng kanilang friends o kakilala sa kanilang mga account.

Pinakamatindi ang deepfake sex sa Telegram na isang app ng socmed.

ANG DEEPFAKE SEX

Simple lang ang ginagawa sa deepfake sex.

Pinapalitan ang ulo ng babae na nakikipag-sex at ginagawan ito ng mga expression ng kung anong nararamdaman sa gitna ng sex.

Ang masakit, nilalapatan ng tunay na litratlo ng babaeng Korean ang deepfake sex video.

Inilalagay ang tunay na pangalan, edad, tirahan, telephone number at iba pang tiyak na pagkakilanlan ng babae.

Dahil dito, bilad na bilad sa kahihiyan ang mga babae.

Kaya nagkakaroon na ng malalaking sex iskandal sa mga eskwela at komunidad, at maging sa loob ng mga tahanan.

Ito’y kahit na imbento lang ang mga sex video.

Panay ang rali ng mga kabataang babae at itinutulak nila ang kanilang pamahalaan na parusahan nang mabigat ang mga gumagawa at nagpapakalat ng deepfake sex.

Gayunpaman, natagpuang mga kabataang lalaki rin ang pangunahing gumagawa ng mga deepfake sex bilang bisyo o katuwaan.

DAAN-DAANG MAY GAWA

Noong 2021, nasa 150 lamang ang iniulat na deepfake sex pero ngayon nasa 800 na.

Ang masama, sine-share nang sine-share ang mga ito kaya kalat na kalat na sa buong South Korea ang mga pekeng sex scandal na ito.

At lumilikha na ng malawakang iskandalo.

Nagiging mabilis ang paggawa ng deepfake sex scandal dahil sa paggamit ng artificial intelligence.

Lalo’t ang South Korea ang pinaka-high tech sa buong mundo.

Ang ginagawa ngayon ng pamahalaan, gumagawa na sila ng batas laban dito.

Kung noon, ang mga gumagawa lang ang parurusahan, ngayon may ginagawang batas na isasama na sa parurusahan ang mga bibili, magpapakalat at manonood ng deepfake sex video.

Dati, limang taong pagkabilanggo lang ang parusa pero sa bagong panukala, magiging pitong taon na.

May $37,000 dolyar naman ang multa pero itataas na rin.

Maging ang mga publishing company at technological company ay aatasan na ring mag-block ng ganitong mga content sa kanilang mga publikasyon.

SA PINAS?

Uso na rin sa Pinas ang sex video subalit karaniwang sangkot dito ang mga tunay at hindi pekeng babaeng birhaws, casa, escort sa mga dayuhang turista at iba pa..

Wala pang gaanong deepfake sex na sangkot ang mga kabataang estudyante at bulakbol.

Pero paano kung darating ito sa Pinas?

Ano ang gagawin ng pamahalaan at mamamayan ngayon pa lang?