Home NATIONWIDE Pastor kalaboso sa planong pagpatay sa kasintahan ng anak!

Pastor kalaboso sa planong pagpatay sa kasintahan ng anak!

RIVERSIDE- Nakatakdang humarap ang pastor at umano’y kasabwat nito sa murder-for-hire plot na plano umano ng una, sa pagdinig sa Riverside courthouse sa susunod na linggo, habang patuloy ang paghahanap ng mga awtoridad sa isa pa umanong kasabwat ng mga ito.

Naaresto si Samuel Davalos Pasillas, 47, ng Victorville, at Juan Manuel Cebreros, 55, ng Long Beach, noong nakaraang linggo kasunod ng imbestigasyon ng Riverside Police Department investigation sa pamamaril na naganap noong Oktubre.

Isa pang nagngangalang Jesus Abel Felix Garcia, ang nasa ilalim ng warrant at tinutugis ng mga imbestigador.

Kinasuhan ang pastor ng solicitation of murder, attempted murder, firearm assault at conspiracy, habang ikinasa naman laban kina Cebreros at Garcia ang mga parehong kaso, maliban sa solicitation count.

Inutusan umano ni Samuel Davalos Pasillas ang dalawang hitmen na patayin ang isang lalaking karelasyon ng kanyang anak, na hindi umano nito tanggap.

Naghain sina Pasillas at Cebreros ng not guilty plea sa joint arraignment nitong Lunes sa Riverside Hall of Justice at nakatakdang dumalo sa felony settlement conference sa March 26.

Pinatawan ang bawat isa ng $1 milyong piyansa sa Robert Presley Jail sa Riverside.

Base sa ulat, nagbayad umano ang pastor sa hitmen ng halos $40,000 upang isagawa ang pagpatay, ayon sa mga pulis at sa police court papers.

“During their investigation, detectives uncovered evidence the father met with the men he hired and provided them information about the victim, including his location the evening of the shooting,” pahayag ni Riverside police Officer Ryan Railsback. “Detectives also determined these men … conducted surveillance on the victim in the weeks leading up to when they shot him.”

Inatake umano ang biktima, na hindi pinangalanan, habang nagmamaneho sa Grove Community Drive, malapit sa Plainview Street, noong Oct. 21, ayon kay Railsback.

Ayon sa biktima, tumigil ang mga suspek sa tabi niya at pinagbabaril siya, na nagresulta sa pagkakatamo niya ng mga sugat.

“The victim drove himself to the hospital and was treated for his injuries,” paglalahad ni Railsback.

Nakarekober na ang lalaki, habang kalaunan ay nakakalap ang mga imbestigador ng sapat na ebidensya upang iugnay sina Pasillas, Cebreros at Garcia sa pamamaril, batay sa mga awtoridad.

Dinakip sina Pasillas at Cebreros sa warrant searches sa Victorville at Long Beach noong March 13.

Naiulat namang may nauna nang kaso ang pastor at iba pang defendants sa Riverside County. RNT/SA

Previous articleTotoy patay sa sariling tatay!
Next articleNapipisil na bagong PNP chief tatalakayin ngayong linggo – Abalos