Home HOME BANNER STORY Pasukan sa pampublikong paaralan, itinakda sa June 16, 2025

Pasukan sa pampublikong paaralan, itinakda sa June 16, 2025

0
Pasukan sa pampublikong paaralan, itinakda sa June 16, 2025

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na magsisimula ang klase para sa School Year 2025–2026 sa mga pampublikong paaralan sa June 16, 2025.

Ang pagbabalik sa dating kalendaryo ng klase ay nakasaad sa DepEd Order No. 12, Series of 2025.

Tatagal ang school year hanggang March 31, 2026, at may 197 araw ng klase, kabilang ang End-of-School-Year (EOSY) rites.

Ngunit, maaari itong magbago depende sa mga hindi inaasahang pangyayari o mga susunod na direktiba.

Nakatakda ang enrollment at Brigada Eskwela activities mula June 9 hanggang 13, isang linggo bago magsimula ang klase.

Ang hakbang na ito ay sumusunod sa pag-apruba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang taon upang ibalik ang tradisyonal na kalendaryo ng klase mula Hunyo hanggang Marso. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here