Home NATIONWIDE Patas na imbestigasyon hirit ng kampo ni Alice Guo

Patas na imbestigasyon hirit ng kampo ni Alice Guo

MANILA, Philippines- Hiniling ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang patas na imbestigasyon sa mga isyu at kontrobersiyang ibinabato laban sa kanya.

Ito ay sa pagsusumite ng kampo ni Guo ng isang liham sa opisina ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Martes ng umaga upang ipaliwanag ang kanyang panig sa gitna ng mga akusasyon laban sa kanya, kabilang ang umano’y pagkakasangkot sa BAOFU Land Development, Inc., pag-iispiya, human trafficking, kidnapping, at money laundering. 

Si Bersamin ang chairman ng Presidential Anti-Organized Crime Commission.

“Yes, in summary that was our request,” pahayag ni Atty. Lorelei Santos nang tanungin kung hiniling ni Guo ang patas na imbestigasyon.

”It’s simply a letter addressed to the Executive Secretary as the chairman of the PAOCC, just expressing the mayor’s intention that she is one with the Commission to uncover the truth and for justice to prevail,” dagdadg niya.

Sa anim na pahinang liham, binanggit ng kampo ni Guo na sa mga nakalipas na mga linggo, iniimbestigahan ng Senado ang alkalde kung saan ito ay naging “conclusory and it would seem that a judgment without due process has already been rendered against her.”

”Our client is one with the mandate of this Honorable Commission to investigate and prosecute criminal elements in the country and to enhance coordination between and among agencies engaged in the fight against criminality,” saad sa liham.

”Thus, through this submission, she would like to explain her side on these matters to refute the serious allegations imputed against her and to shed light on these matters,” anito pa.

Sa kasalukuyan ay wala pang komento si Bersamin at PAOCC executive director Undersecretary Gilbert Cruz ukol dito.

Nauna nang inihayag ng PAOCC na maghahain ng criminal charges laban kay Guo, kabilang ang may kaugnayan sa umano’y mga ilegal na aktibidad sa isang compound na matatagpuan sa likod ng munisipyo ng bayan.

Ayon sa PAOCC, ang mga kasong isasampa ay  “serious” at “non-bailable” laban kay Guo at mga sangkot sa Bamban POGO hub.

Mariing itinanggi ni Guo ang mga alegasyon laban sa kanya. RNT/SA