Home HOME BANNER STORY Patay sa concert hall attack sa Russia, umakyat na sa 133

Patay sa concert hall attack sa Russia, umakyat na sa 133

RUSSIA – Umakyat na sa 133 katao ang nasawi dahil sa madugong shooting attack sa concert hall sa Moscow, Russia.

Kasunod nito, umabot na sa 11 katao ang inaresto ng mga awtoridad kabilang ang apat na gunmen dahil sa pag-atake na inako ng Islamic State.

Wala pang komento si Russian President Vladimir Putin sa nangyaring pag-atake.

Matatandaan na walang habas na namaril ang mga armadong kalalakihan na nakasuot ng camouflage sa Crocus City Hall sa northern suburb ng Moscow na Krasnogorsk nitong Biyernes, Marso 22 kasabay ng isang concert ng Soviet-era rock band na Piknik.

Ayon sa FSB security service ng Russia, tumakas ang mga sangkot sa pag-atake sa Russian-Ukraine border.

Hindi na nagbigay pa ng detalye ang mga awtoridad patungkol dito. RNT/JGC

Previous articlePH resupply boat napinsala sa panibagong water cannon attack ng China
Next articlePag-atake sa concert hall sa Russia kinondena ni PBBM