Home HOME BANNER STORY Pag-atake sa concert hall sa Russia kinondena ni PBBM

Pag-atake sa concert hall sa Russia kinondena ni PBBM

MANILA, Philippines – Kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-atake sa isang concert hall sa Moscow, Russia nitong Biyernes, Marso 22 na kumitil sa buhay ng 133 katao.

“I am profoundly saddened by the innocent lives lost in the horrific ISIS attack at the concert hall in Moscow,” sinabi ni Marcos nitong Sabado.

“My deepest condolences to the families affected by this senseless act of terrorism. We stand united in condemning terrorism in all its forms.”

Matatandaan na walang habas na namaril ang mga naka-camouflage na gunmen sa Crocus City Hall kung saan ginaganap ang concert ng Soviet-era rock band na Piknik.

Itinuturing itong “deadliest attack” sa Russia sa nakalipas na dekada.

Sinabi naman ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers na walang Filipino ang nasawi sa pag-atake.

Inako ng Islamic State na sila ang nasa likod ng pamamaril sa lugar. RNT/JGC

Previous articlePatay sa concert hall attack sa Russia, umakyat na sa 133
Next article2 bata sa Pampanga nasawi sa suffocation sa loob ng sasakyan – autopsy